Chapter 1: The Suffering
"Cassie I regret marrying you, Bakit ako mag titiis sa’yo kung jackpot ako sa iba”
Parang sirang plaka na paulit-ulit sa utak ni Cassie ang sinabing 'yun ng ex-husband niyang si Mark.
Nakatayo siya sa harap ng gate ng mansion ng mga Villafuerte, ang pamilya ng bagong girlfriend ni Mark na si Beatrice.
Lumabas si Beatrice, suot ang isang kumikinang na dress na mas mahal pa yata sa kidneys ni Cassie.
"You know, Ate Cassie," mataray na sabi ni Beatrice habang nakakapit sa braso ni Mark. "Don't blame Mark. Some women are just... pang-display, and some are just pang-bahay. Obviously, you belong to the kitchen. Look at you, losyang already."
"Let's go, Bea," sabi ni Mark, ni hindi makatingin nang diretso kay Cassie. "Wag mo na siyang patulan."
Iniwan nila si Cassie sa labas na luhaan. Umuwi si Cassie sa maliit nilang inuupahang kwarto na ngayon ay solo na lang niya.
Gumuho ang mundo niya. Gabi-gabi syang iyak ng iyak. Durog na durog at pinaos na siya sa kakahagulgol.
Isang gabi, habang nakadungaw sa bintana at mugto ang mata, nakakita siya ng falling star.
Pumikit siya nang mariin. “Lord, kung naririnig mo man ako… tulungan nyo po akong bumangon at ipagtanggol ang sarili ko sa kalupitang ginagawa sa akin ng lalaking ito, please po lord, please.”
Nakatulog siya sa kakaiyak.
Chapter 2: The Morning After
Nagising si Cassie na masakit ang ulo.
Paglabas niya ng pinto para kumuha ng delivery ng shopee, nakita nya ang delivery rider na biglang ngumiti..
"Good morning po, Ma'am Cassie?,” bati ni delivery rider.
Pero may narinig siyang ibang boses. Parang voice-over sa pelikula.
(Grabe ang ganda naman ni madam, sana hindi nia mapansin yung sapatos ko na butas. Nakakahiya!)
Napatingin si Cassie sa sapatos ni delivery rider. Butas nga!
"Manong, yung sapatos niyo po, anyare?” tulala niyang sabi.
Namula si delivery rider. "Ay sorry po nabutas kanina hehe nakakahiya!”
Doon na-realize ni Cassie ang nangyari.
She can hear men’s thoughts! Sinubukan niya sa babaeng kapitbahay, pero wala siyang marinig. Sa mga lalaki lang!
Imbes na matakot, biglang ngumiti si Cassie.
“This is it. Oras na para bumangon ang reyna.”
Chapter 3: The Rise of the Mind-Reading Queen
Unang stop: Job Interview sa Empire Holdings, isang top-tier company.
Ang interviewer ay ang striktong CEO na si Mr. Tan. Walang nakakapasa sa kanya.
"So, Ms. Cassandra, why should we hire you? You have a gap in your resume," tanong ni Mr. Tan na nakataas ang kilay.
Biglang narinig ni Cassie ang isip nito: (Jusko, gutom na ako. Sana matapos na 'to. Gusto ko ng kare-kare. Also, ang problema ko sa marketing ay hindi nila ma-target ang mga millennials. Puro old school!)
Ngumiti si Cassie nang confident.
"Mr. Tan, I can help you because I know exactly what you need. You need a marketing plan that targets millennials, hindi yung puro old school tactics. At kung ih-hire niyo ako, dadalhan ko kayo ng best kare-kare in town para sa lunch meeting natin."
Nalaglag ang panga ni Mr. Tan. "Y-You're hired!"
Mabilis na umangat si Cassie. Naging VP of Sales siya in just two months dahil alam niya ang iniisip ng mga clients.
Pero hindi siya nakuntento. Pumunta siya sa mga Car Dealerships.
Nakita niya ang isang lumang sports car na binebenta ng murang halaga.
Sabi ng ahente: "Ma'am, all good condition po ito at hindi pa po ito nagagamit na madalas mababa ang milyahe. P300k na lang."
Isip ng ahente: (Hahaha, di niya alam pinaganda ko lng ang labas pero galgal na ito kahit kaya kahit 100k ko lng to nabili walang mag aakala)
Cassie smirked. “Let me check po muna under the hood and i-test drive ko po, I know a lot about kotse kuya.” After the test drive, sinabi ni Cassie lahat ng narinig niya na sa isip ni agent na mali sa kotse, at napilitan si agent na ibenta sa karapat dapat na normal na presyo neto.
Binili niya, pinaayos nang konti, at binenta sa auction. Boom! 400k pesos agad.
Inulit-ulit niya ito. Buy and sell. Flip cars. Close big deals.
Sa loob ng anim na buwan, si Cassie na ang may-ari ng "Cassie & Co."
Mas mayaman pa siya sa pamilya ni Beatrice na puro utang pala ang yaman.
Chapter 4: The Revenge
May Grand Charity Ball ang isang big company.
Invited ang lahat ng elites and employees from all big and respected companies.
Syempre, nandoon si Mark at Beatrice.
Dumating si Cassie lulan ng isang Bugatti, suot ang gown na gawa sa Paris. Kumikinang siya.
Nilapitan siya ni Beatrice, na halatang insecure.
"Wow, Cassie. Did you win the lottery? Or did you find a sugar daddy?" pang-aasar ni Beatrice.
Isip ng Daddy ni Beatrice na katabi nila: (Patay, baon kami sa utang. Kung hindi ma-approve ang loan namin sa bangko bukas, kukunin na ang bahay namin.)
Ngumiti si Cassie, sweet pero deadly.
"Actually, Beatrice, I am the sugar daddy now," sabi ni Cassie sabay kindat.
Binalingan niya ang Daddy ni Beatrice.
"And Mr. Villafuerte, regarding your loan application sa bangko na partner ko? I’ll make sure to review it... very carefully."
Namutla ang Daddy ni Beatrice. "Kilala mo ang may-ari ng bangko?!"
"I own shares, so good luck!”
Nagkagulo ang pamilya Villafuerte. Si Beatrice, umiiyak na tumakbo sa CR.
Maya-maya, lumapit si Mark. Mukhang asong ulol na nagmamakaawa.
"Cassie... babe," sabi ni Mark, hinawakan ang kamay niya. "I made a mistake. Ikaw talaga ang mahal ko. Pwede bang magsimula tayo ulit?"
Pinakinggan ni Cassie ang isip ni Mark:
(Grabe, ang yaman na niya! Kung babalikan ko siya, bayad na utang ko, may sportscar pa ako! I need to fake cry now.)
Tumawa nang malakas si Cassie. Ang tawa na rinig sa buong hall.
"Mark," sabi ni Cassie, sabayhawi ng buhok niya.
"Alam mo, dati akala ko loss kita. Pero ngayon? Receipt ka na lang na tinapon ko na. Get lost. I don't date trash."
Iniwan niya si Mark na nakanganga habang pinagtatawanan ng mga guests.
Chapter 5: The Silent Heart
Pagkatapos ng party, nagpunta si Cassie sa isang 24-hour convenience store.
Hindi siya mahilig sa fancy foods na sini-serve sa party. Pero gusto niya lang ng kinasanayan nyang cup noodles.
Doon na lang siya kumain sa labas, nakaupo sa gutter kahit naka-gown.
Biglang may tumabing lalaki sa kanya. Simple lang ang suot, t-shirt at jeans. May hawak itong siopao.
"Miss, baka matapunan yang gown mo ng sabaw,"
sabi ng lalaki sabay abot ng tissue.
Si Jelo. Isang simpleng graphic artist.
Gwapo sa paraang hindi agaw-atensyon, pero maaliwalas ang mukha.
Inantay ni Cassie ang thought bubble nito.
Usually kasi, ang iniisip ng mga lalaki sa kanya: "Ang sexy," "Ang yaman," o "Sana akin na lang siya."
Pero narinig niya kay Jelo: (Hala, ang lungkot naman ni Miss Ganda. Kumakain mag-isa naka-gown. Siguro brokenhearted 'to. Sana mapasaya ko siya kahit konti. I-share ko kaya 'tong siopao ko? Kaso baka ayaw niya ng asado.)
Napangiti si Cassie. Pure. Walang halong malisya. Walang agenda.
"Salamat," sabi ni Cassie. "Asado ba 'yan?"
Nagulat si Jelo. "Hala, pano mo nalaman? Favorite ko 'to eh."
Nagkwentuhan sila. Hindi sinabi ni Cassie na bilyonarya siya. Ang pakilala niya, isa lang siyang office worker.
Naging madalas ang pagkikita nila. Kumakain ng fishball, naglalakad sa park. At sa bawat sandali, binabasa ni Cassie ang isip ni Jelo.
Habang naglalakad: Isip ni Jelo: (Hawakan ko kaya kamay niya? Kaso baka pawis palad ko. Nakakahiya. Lord, help!)
Habang kumakain: Isip ni Jelo: (Ang ganda niya tumawa. Kahit wala akong kotse, ipag-iipon ko siya para makapag-travel kami balang araw.)
Narealize ni Cassie na hindi kailangan ng bilyones para maging masaya.
Isang gabi, hinatid siya ni Jelo sa tapat ng condo (na hindi alam ni Jelo na penthouse pala ang unit niya).
"Cassie," sabi ni Jelo, medyo nervous.
"Simple lang ako. Hindi kita mabibigyan ng sparkling na buhay tulad ng mga napapanood sa TV. Pero... mahal kita. Sobra."
Isip ni Jelo: (Kahit ubusin ko pa savings ko para sa future natin, gagawin ko. Ikaw lang sapat na.)
Naluha si Cassie. Ito na 'yun. Ang lalaking walang tinatago.
"Jelo," sabi ni Cassie. "May aaminin ako."
"Ano 'yun? Nakukulitan ka na ba sa akin at ititigil mo nang makipagkita sa akin?” kabadong tanong ni Jelo.
Tumawa si Cassie.
"Wala! Ang sasabihin ko lang... Mayaman ako. Sobrang yaman. Pero willing akong i-share yun sa'yo, basta promise mo, ikaw pa rin ang taga-buhat ng shopping bags ko."
Napatulala si Jelo. "Weh? Di nga? Akala ko call center agent ka!"
“Milyonarya ako, sweetie."
Isip ni Jelo: (Hala... Milyonarya siya? Tapos ang lagi ko lang dala sa kanya siopao?!)
Natawa nang malakas si Cassie at niyakap si Jelo.
"Oo, Jelo. Kahit unli siopao lang habambuhay."
At doon, sa ilalim ng mga bituin, natagpuan ni Cassie ang happy ending niya, hindi dahil nababasa niya ang isip, kundi dahil naramdaman niya ang tunay na pag-ibig na hindi kailangan ng mind-reading powers para maintindihan.
WAKAS

